Handog pasasalamat ng Republika ng TM at LGU Muñoz ang ginanap na TM Night 2020 noong gabi ng January 19, 2020 sa Science City Gymnasium.

Maraming manonood ang natuwa ng lumabas ang bandang Mayonnaise at singer na si Michael Dutchi na kinanta ang kaniyang viral song na “Binalewala”. Nagpasayaw rin sa mga manonood ang sikat na sikat na “Tala” ni Sarah Geronimo at namigay ang Republika ng TM ng kanilang TM Bags.

Tumugtog rin sa nasabing programa upang magpakitang gilas ang mga bandang Coffee Mix Front Act Band, Kate Band, Chugchug Punks, Life at 7 Band, Bayubay Band at Albidaya Band.

Nakisaya rito sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D at Coun. Jerry S. Fulgencio.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, Coun. Jerry S. Fulgencio, Demolay, Republika ng TM, The Backyard Project, Godswill, Cantina, Dacquels Burger Café, Set ‘n Bites, Cloudvape, Sir Treb Café, RF Vape Shop at Wave Sound.