Ikinagagalak po naming ipaalam sa lahat ang tagumpay ng ating City Library na pinamumunuan ni Gng. Carolyn E. Rivera na nagwagi bilang Top 3 sa 2021 Most Diligent Public Library in the Philippines. Binabati po kayo ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sampu ng mga kawani nito.

Mabuhay po kayo at ang Science City of Muñoz.