Naganap ang taunang tree planting ng mga empleyado ng Local Government Unit ng Lungsod Agham ng Muñoz mula Hulyo 14 hanggang Hulyo 17, 2020 sa Barangay Villa Isla at Barangay Matingkis, Science City of Muñoz kung saan ang bawat departamento ay may kanya kanyang iskedyul ng pagtatanim. Ang taunang pagtatanim ay isinasagawa para sa pangangalaga at proteksyon ng ating kalikasan.