Itinayo ang Tugon sa Usbong ng Buhay, Inuming-Tubig ang Gabay (TUBIG) Project upang matugunan ang pangangailangan ng mga minamahal nating mga kabarangay na hindi kayang abutin ng water supply system na mayroon ang ilang barangay ng ating lungsod. Nagsimula lamang ito sa apat na systems at ngayon ay malugod po naming ibinabalita na mayroon na po tayong 23 systems ng TUBIG Project sa 22 barangays ng ating lungsod.

 Kaya nitong Setyembre 29, 2022 ay isinagawa ang panunumpa ng mga opisyal ng TUBIG Project kung saan sila ay nangako na tutuparin ng buong husay at may katapatan ang kanilang mga tungkulin.

 Nagpapasalamat po ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa lahat ng opsiyal ng TUBIG Project ng 22 barangays ng ating lungsod sa inyong walang sawang paghahandog ng serbisyo para sa inyong mga kababayan. Mabuhay po kayo!