Mga minamahal naming kababayan kung kailangan po ninyo ng tulong sa inyong karamdaman na Pulmonary Tuberculosis o TB ay maaari po kayong magtungo sa ating Cough Center o TB-DOTS Center na matatagpuan sa Science City of Muñoz City Hall Compound.
Huwag pong kalimutang dalhin ang inyong REFERRAL na mula sa isang doktor at ang inyong X-RAY RESULT. Hanapin lamang po si G. Whindy Hipolito, RN, TB-DOTS Coordinator upang kayo ay mabigyan ng gabay sa mga prosesong gagawin.
Sa mga nangangailangan ng mga gamot para sa TB, mayroon rin po tayong libreng medisina handog ng Department of Health Region 3. Lahat ng ito ay masiglang inilalakad ng ating Lokal na Pamahalaan sa bilin at tugon ng ating Punong Lungsod, Kgg. Nestor L. Alvarez, Ph.D.
#SerbisyongHandog
#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ