Naghatid ng tulong ang mga iba’t-ibang organisasyon sa Lungsod Agham ng Muñoz. Kabilang dito ang Golden Beehive Masonic Lodge No. 388 na nagpamigay ng relief goods sa lahat ng 187 households ng Brgy. Mapangpang, ang Gov Eduardo L. Joson Memorial Lodge No. 326 ay naghatid din ng tulong para sa mga frontliners. Nagpamahagi din ang Eulogio R. Dizon Masonic Lodge 321 ng 150 na manok sa mga pamilya at relief goods sa 18 pamilyang nawalan ng tahanan sa Brgy. Linglingay at ang Gen. Miguel Malvar Masonic Lodge 427 para sa kanilang handog na Jollibee para sa ating mga butihing frontliners. Nagpapaabot ng pasasalamat ang gobyerno ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa lahat ng mga mamamayan at organisasyon na walang humpay na tumutulong sa Science City of Muñoz. Mabuhay po kayong lahat!