Para po sa kaalaman nating mga kababayan, ang lokal na pamahalaan po ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating Punong Lungsod Nestor L. Alvarez, Ph.D., ay nagsisimula na po muling magbigay ng ikatlong ayuda na isang sako ng bigas na may 25 kilos para sa lahat ng sambayahan o households sa 37 barangay sa ating lungsod.

Ngayong araw ay nauna pong mapamahaginan ang mga barangay na sumusunod:

Curva

Naglabrahan

San Antonio

Ito na po ang galing sa supplemental budget na hiniling at pinaapruban ng ating punong lungsod sa ating Sangguniang Panlungsod bilang tugon sa pangangailangan nating mga mamamayan na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ngayon nga ay inanunsyo na magtatagal hanggang sa Mayo 15, 2020.

Ang susunod na schedule po ng pamamahagi ay ipapaalam ng mga kapitan sa kanya kanyang mga barangay.

Manatili po tayo sa ating mga tahanan at dadating po ang ikatlong ayuda MULA SA ATING LOKAL NA PAMAHALAAN sa ating mga tirahan.