Patuloy parin po ang isinasagawang pag-aayos ng mga relief goods para sa mga mamamayan ng ating lungsod agham sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Nestor L. Alvarez, Konsehal Rodney Cabrera, Konsehal Jerry Fulgencio, ABC President Alexander Natividad, mga kapitan at opisyales ng mga barangay kasama ng ating lokal na kapulisan sa pamumuno ni PLtCol Gerald T Licyayo at ating lokal na DSWD.

Bukod sa Brgy. Mapangpang ay nakakuha na din po ngayong araw ang mga barangay ng Rizal, San Andres, San Felipe at Matingkis na ipinamahagi o ipapamahagi na sa mga sambahayan.

Susunod na po ang iba pang mga barangay para sa pangalawang ayuda na ito mula sa ating lokal na pamahalaan. Manatili po tayo sa ating mga tahanan at darating po ang mga ito sa inyo.

Muli, salamat po sa inyong kooperasyon.