Ngayong araw po, Abril 4, 2020, ay ipinagpapatuloy na ang pamamahagi ng ikalawang ayuda para sa ating mga kababayan. (Sinumulan po sa Barangay Mapangpang ngayon umaga) Ang lahat po ng mga barangay ay mabibigyan at lahat ng sambahayan ay makakatanggap ng ayuda (relief pack).
Ang pagbibigay po ay ipinamamahala sa ating mga kapitan at opisyal ng barangay. Pakihintay lamang po at padating na din ang 2nd na ayuda sa inyong mga barangay mula sa ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez. Ginagawa lamang pong mas maayos ang distribution kada barangay upang masiguro na ang lahat ay makikinabang.
Muli po, mag-ingat po tayong lahat at patuloy po tayong makiisa sa laban natin sa pandemic na Covid-19.
Maraming salamat po.