Para po sa kaalaman ng lahat, tuloy tuloy pa rin po ang isinasagawang pamamahagi ng relief packs sa ating mga barangay. Gayunpaman, sa kadahilanang wala na pong dumarating o mabili na supplies ng de lata ng sardinas at noodles ay may pagbabago po sa nilalaman ng ipinapamahaging relief pack mula sa ating lokal na pamahalaan. Nasa kalakip na mga larawan po ang nilalaman ng isang pack na maaari ninyo pong matanggap sa inyong sambahayan. Ito po ay kasama pa rin sa ikalawang ayuda o 2nd wave na pamamahagi.

SUSUNOD na po ang iba pang mga barangay na mapapamahaginan. Inuulit po natin, LAHAT po ng barangay ay mabibigyan at personal pong pinangungunahan ng ating punong lungsod ang pamamahagi bawat barangay.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na kooperasyon.