Para din po sa kaalaman ng lahat, ang nilalaman po ng bawat relief pack ay may mga pagbabagong muli dahilan po sa kakulangan ng supplies sa mga pamilihan (Nasa larawan po ang maaaring nilalaman ng relief pack na ating matatanggap). Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa.

Patuloy po ang paggagayak ng mga ayuda sa ating city gymnasium upang mapadali ang pamamahagi sa bawat barangay.

Maraming salamat din po kay Ms. Liza De Guzman sa kaniyang binigay na pagkain para sa ating mga kaagapay sa paggayak ng mga relief packs.

Maraming salamat pong muli!