Abril 7, 2020 – Siyam (9) na barangay po sa ating lungsod ang personal na napamahaginan ng relief goods na pinangunahan ni Mayor Nestor L. Alvarez na ipapamahagi sa bawat sambahayan anumang oras ngayong araw hanggang bukas. Ito ay ang mga barangay ng Villa Isla, Linglingay, Rang-ayan, Bical, Franza, Mangandingay, Villa Santos, Calisitan at Pandalla.

Muli po, ang mga larawan ay kuha upang maipakita sa ating mga kababayan na totoong naiparating ang pangawalang ayuda mula sa lokal na pamahalaan sa mga barangay.

Susunod na po ang iba pang natirang mga barangay. Maraming salamat po!