Abril 8, 2020 – Muling nagpamahagi ng ikalawang ayuda ng mga relief goods ang lokal na pamahalaan sa iba pang mga barangay sa ating lungsod sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez. Ito ay ang mga barangay ng Gabaldon, Magtanggol, Maligaya at Poblacion East na siya namang idadala ng mga opisyales ng barangay sa mga households anumang oras ngayon o bukas.
Bukas po ay sisikaping matapos ang paggagayak upang ipamahagi sa susunod na mga araw sa iba pang natirang barangay. Tinitiyak naman po na ang lahat ng barangay ay mapapamahaginan.
Paunawa din po na sa kakulangan ng supply ng noodles ay pinalitan ng ibang de lata ang nilalaman ng ibang relief pack.
Muli, maraming salamat po!