Umaga palang ng Abril 9, 2020 ay sinimulan na muli ng ating Punong Lungsod Nestor L. ALvarez ang pag-iikot sa ating palengke upang tiyakin ang maaayos na lagay sa ating pamilihan gayundin ang pagbisita sa ating city gymnasium upang personal na pamahalaan ang paggagayak ng mga relief goods para ipinamamahaging ikalawang ayuda.

Samantala ang mga barangay ng Poblacion South at Palusapis ang mga napamahaginan ng relief goods ngayong umaga kabilang ang ilang mga kargador o porter sa ating pamilihan.

Para po sa malalaking barangay na Barangay Bantug at Poblacion West ay minamadali po ang paggagayak sa tulong na din ng staff ng DSWD, Market, CENRO at volunteers mula sa Phi Beta Rho upang maihatid sa inyong mga barangay sa lalong madaling panahon po.

Lubos din po ang ating pasasalamat sa tanggapan ng NEECO II para sa kanilang donasyon na 20 cavans ng bigas.