Nagpapasasalamat po ng taos puso ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating magiting na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa GP Partylist sa pangunguna ni Cong. GP Padiernos kaakibat ang ating Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali, Vice Governor Emmanuel Anthony “Doc Anthony” Matias Umali at Bokal Joseph ” Wowowee” Ortiz sa inyong pamamahagi ng 4,500 sa 117 na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) ng ating iniibig na lungsod.

 Naglinis sa kanilang mga kanya kanyang itinalagang lugar ng sampung (10) araw ang mga benepisyaryo. Ang pamimili ay may sinunod na GUIDELINES at QUALIFICATIONS upang masigurado na sila ay karapatdapat sa programang ito.

 Lubos po ang aming pasasalamat sa matibay na samahan ng ating Governor Oyie Umali, Vice Governor Doc Anthony Umali, Bokal Wowowie Ortiz, GP Partylist at ng ating TITA MAYORA BABY ARMI sapagkat ang pagkakaisang ito ay napakalaki ng naitutulong at patuloy na maitutulong sa ating lungsod at mga mamamayan nito. Mabuhay po kayong lahat.