Isa nanaman pong biyaya para sa ating mga kababayan ang naganap nitong Oktubre 13, 2022 sa ating Pag-Asa Gymnasium, ang TUPAD PAYOUT kung saan 96 na benepisyaryo mula sa 37 na barangay ng ating lungsod ang nakatanggap ng 4, 500 kapalit ng kanilang paglilinis ng 10 araw sa kanilang mga kanya kanyang itinalagang lugar. Ang pamimili ay may sinunod na GUIDELINES at QUALIFICATIONS upang masigurado na sila ay karapatdapat sa programang ito.

 Walang katapusan po ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pangunguna ni Ms. Estrella D. De Lara, sa ating Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Mary Joyce Tambalque at kay Sen. Joel Villanueva, sa inyong walang sawang pagtulong, pagmamahal at pagsuporta sa ating mahal na lungsod at mga mamamayan nito.