Naguumapaw na saya sa mga mata ng 193 na benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ang ating nahantungan nitong Setyembre 8, 2022 sa ating PNP Gymnasium. Pinangunahan ang programa at pamamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamumuno ni Ms. Ester De Lara, LEO III ng Provincial Office at ng ating Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Mary Joyce Tambalque.

 Nakatanggap ng halagang Php 4,500.00 ang mga benepisyaryo kapalit ng kanilang paglilinis ng 10 araw sa kanilang mga kanya kanyang itinalagang lugar. Ang masugid na pamimili ay may sinunod na GUIDELINES at QUALIFICATIONS upang masigurado na sila ay karapatdapat sa programang ito.

 Nagpapasalamat po ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa tanggapan ng ating Sen. Kiko Pangilinan sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa ating mga minamahal na kababayan. Mabuhay po kayo!