Isang Programa ang DOLE TUPAD para sa mga magulang na mayroong anak na child laborer. Ibig sabihin ng child laborer ay ang mga batang edad 17 taong gulang pababa na sa murang edad ay naghahanp buhay para sa kanilang pamilya. Dalawang daan ang benepisyaryo ng nasabing programa kung saan sila ay masugid na pinili ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ang pamimili ay may sinunod na GUIDELINES at QUALIFICATIONS upang masigurado na sila ay karapatdapat sa programang ito.

 Isinagawa ngayong araw, Oktubre 26, 2021 ang oryentasyon para sa mga benipisyaryo sa pangunguna nina Mr. Eric Ferrer, Ms. Ann Jeanelle Villamoran Leonardo, TUPAD Coordinator ng DOLE RO3 at ng ating PESO Manager na si Ms. Mary Joyce D. Tambalque. Ipinaliwanag sa nasabing oryentasyon ang kanilang mga gagawin kung saan sila ay maglilinis ng 10 araw sa kanilang mga kanya kanyang itinalagang lugar at kapalit nito ay sila ay magagawaran ng halagang Php 420.00 kada araw.

 Nagpapasalamat po ang Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, PH.D. sa mga ganitong programa na malaki ang naitutulong sa ating mga minamahal na kababayan. Lubos din ang pasasalamat sa Public Employment Service Office (PESO) ng ating Porbinsya sa pangunguna ni Pastor Ralph Aquilizan sa pamamahagi ng food assistance para sa 10 piling magulang na may anak na sa murang edad ay naghahanap buhay.