Nagpamahagi ang DOLE Provincial Office ng halagang apat na libo at dalawang daang piso (Php4,200.00) sa bawat isang tao na benipisyaryo ng programang TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE). May kabuoang 100 benipisyaryo ang nabahaginan ng nasabing programa. Ang nasabing halaga ay galing sa pondo ni Senator Emmanuel Joel Jose Villanueva sa pakikipagtulungan ni Mayor Nestor L. Alvare, Ph.D.

Pinangunahan ng DOLE Provincial Office sa pamamagitan ni Ms. Justine Salas at PESO, Science City of Muñoz sa pamamagitan ni Ms. Mary Joyce Tambalque ang pamamahagi. Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged o Displaced Workers ay isang tulong batay sa pamayanan para sa minimum na sampung araw at di tataas sa tatlumpung araw na trabaho.