Nagsimula na po ngayong araw ang pagbabakuna para sa ating Tutok A2 sa Baranggay. Nagpapasalamat po ang lahat ng nasa Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. na makita ang ating mga lolo at lola na nagpapabakuna sapagkat alam namin ang kabutihang maidudulot nito para sa paglaban natin sa sakit na Covid-19.

 Kasabay po ng ating tutok A2 ay ang second dose ng iba pa nating mga kababayan na kabilang sa kategoryang A1-A3.

 Patuloy at walang sawa po ang paninigurado ng ating Super Mayor Alvarez na  maayos palagi ang pagbabakuna sa ating mga minamahal na mamayan. Mga lolo at lola, tayo pong lahat ay makiisa, unahin ang pagbabakuna!

 Para po sa mga nasa ibang kategorya tulad ng A4 at iba pa, mag register lamang gamit ang link na ito http://bit.ly/SCMCovid19_VaccineReg.  Maghintay lamang po ng text message, sapagkat limitado po ang bakunang naipapamahagi sa ating Lungsod.