Magandang umaga po mga kababayan! Sama-sama po nating salubungin ang unang Flag Raising Ceremony ng taong 2023 ng isang magandang balita kung saan pagkatapos ng ating lingguhang Flag Raising Ceremony ay binigyang pagkilala sina NICOLE DANE D. SALVADOR, Senior Secondary Philippine Representative ng MNHS-Main na siyang kwalipikado sa THAILAND INTERNATIONAL MATHEMATICAL OLYMPIAD (TIMO)-FINAL ROUND 2022 sa Pattaya Thailand na gaganapin sa March 31, 2023 hanggang April 3, 2023; at SEAN PATRICK M. KONAGAWA, Senior Secondary Philippine Representative ng MNHS-Main na siyang kwalipikado sa HONG KONG INTERNATIONAL SCIENCE OLYMPIAD (HKISO)-FINAL ROUND na gaganapin sa Singapore sa June 26, 2023. CONGRATULATIONS PO SA INYO magagaling naming mga kababayan!

 Isang pagbati naman po ng isang napakasaya at manigong BAGONG TAON ang hatid ng ating TITA MAYORA BABY ARMI ALZARO ALVAREZ sa mga empleyado ng ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz at sa lahat ng mamamayan ng ating lungsod.  Ang kahilingan po ng ating mabait at mapagmahal na TITA MAYORA ang ikabubuti ng lahat at ang tuloy-tuloy na pagkakaisa, pagtutulungan at pagkalinga sa bawat isa. Mabuhay po ang lahat!