Matiwasay at masaya po bang nakadalaw ang lahat sa inyong mga minamahal sa buhay na yumao na?

 Kasabay ng pagdalaw ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa kaniyang mga minamahal sa buhay na namayapa na ay siya rin niyang sinigurado na maayos na makakadalaw at nakadalaw ang iba.

 Sa kahit anumang okasyon ay prayoridad ng ating TITA MAYORA BABY ARMI ang kaayusan at kasiyahan ng ating mahal na lungsod at mga mamamayan nito. Walang anuman ang makakapigil sa serbisyong tapat at totoo na hatid ng ating TITA MAYORA.

 Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga organisasyon sa ating lungsod, mga kawani ng barangay, sa ating Philippine National Police- Muñoz, Bureau of Fire Protection- Muñoz, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Health Office at sa lahat ng naghatid ng iba’t ibang serbisyo para masigurong ligtas, maayos at masaya ang pagdiriwang ng ating UNDAS 2022.