“VOTE S.A.F.E. PILIPINAS”

 Upang maipahayag at makamit ang ligtas, mapayapa, maayos at patas na eleksyon 2022, ang  mga lokal na kandidato sa Science City of Muñoz ay isinagawa ang UNITY WALK, INTER-FAITH PRAYER RALLY at PEACE COVENANT SIGNING nitong March 3, 2022 sa ating Pag-Asa Gymnasium.

 Sinimulan ang Unity Walk sa ating City Hall ground hanggang sa Pag-Asa Gymnasium, kasunod nito ang inter-faith prayer, integrity pledge, pamamahagi at pagpapakawala ng mga kalapati at lobo, na sinundan ng  Peace Covenant Signing ng mga dumalong kandidato at iba pang dumalo sa programa at nagsilbing witnesses bilang simbolo ng pagkakasundo sa pagkamit ng isang makabuluhahang eleksyon ngayong 2022.

 Ang nasabing programa ay pinangunahan ng mga kinatawan ng Philippine National Police- Muñoz; 84th Infantry Battalion, 7th Infantry Division, Philippine Army; Commission on Elections; Department of the Interior and Local Government (DILG); Bureau of Fire Protection (BFP) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

 Sa eleksyon 2022 siguraduhin nating hindi masasayang ang ating boto. Bumoto ng tapat, matiwasay at tama. VOTE WISELY mga kababayan.