Walang humpay na pasasalamat po ang inihahatid ng ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kay Governor OYIE UMALI sa pagbabahagi ng 600 na upuan at 60 na lamesa sa ating iniibig na lungsod.

 Ang mga upuan at lamesa po ay unti-unting ibinabahagi sa mga Bahay Pamahalaan ng bawat barangay ng ating lungsod.

 Maraming, maraming, maraming, maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtulong at pagsuporta sa Science City of Muñoz.

 Isang matatag na samahan patungo sa mas maganda at mas maunlad na kinabukasan!