“Sa BOOSTER PinasLakas! Sabay tayong bumangon! Magpa-BOOSTER ngayon!”

 Alam naman na po nating lahat ang mgandang maidudulot ng pagpapabakuna laban sa Covid-19. Ngunit upang mas mapalakas ang ating immunization ay nararapat na tayo ay magpabooster shot. Kaya’t nitong Setyembre 13, 2022 ay naganap ang isang Covid-19 Vaccination sa Barangay Villa Nati sa pangunguna ng ating Vaccination Team at ng ating napakaaktibong MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ upang magbigay ng booster shots sa ating mga kababayan.

 Mula pa man noon ay wala ng sawa ang ating butihing mayor sa pagtulong sa ating vaccination team dahil bilang isang  nurse ay nasa puso na niya ang pagtulong at pag aaruga sa kapwa.

 “Prevention is better than cure” kaya’t ano pa ang hinihintay natin? Ligtas ang may RESBAKUNA! Pa-BOOSTER NA!