Muñozonian na Bakunado Para sa Bayang Protektado!

 Tuloy-tuloy po ang pagbabakuna laban sa Covid-19. Kaya nitong Miyerkules, Hunyo 1, 2022 ay isinagawa ang pagbabakuna sa ahensya ng PhilMech sa pangunguna ng ating MAYOR-ELECT ARMI L. ALVAREZ kasama ang ating Covid-19 Vaccination Team.

 Nais ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ng ating MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. na ligtas ang ating mga kababayan laban sa sakit na Covid-19. Kaya halina po tayo at magpabakuna, upang makaiwas sa sakit na nakakahawa at hindi nakikita ng ating mga mata.