Naghandog ng isang Variety Show ang LGU Muñoz bilang pagdiriwang ng matagumpay na pagtatapos ng ating 7th Uhay Festival noong gabi ng Enero 20, 2020 sa Science City Gymnasium.

Inirampa ng ilang miyembro ng LGBTQ+ ang kanilang mga obra sa Hair and Fashion Show na pinangunahan ng SCM Gay and Hair Dressers Incorporated.

Matapos ito, nagbigay aliw sa mga manonood ang pagsasayaw ng Club Mwah, Mini Stop, The Community, Student Urban Crew, Binhilan Performing Arts Guild of Maligaya, XPM Junior, The Unity Squad, pagkanta nina Michael Arcega, Crisel Abaluna, Wilfred Aquino at Jomalyn Bautista.

Lalong nagpasaya sa mga manonood ng lumabas sina Dulce, OPM Ambassadors: Chad Borja, Rannie Raymundo, Richard Reynoso at Renz Verano. Naroon rin si Michael Dutchi na kumanta ng “Binalewala”, Matthaios at Calvin De Leon na kinanta naman ang kanilang viral song na “Catriona”.

Naghiyawan ang mga kababaihan ng ilabas ang mga naggagwapuhang Bida Man na sina Jr Baring, John Baring, Wize Estabillo, Dan Delgado, Jiro Custodio at Eris Aragoza.

Dumalo rin rito upang makisaya at makinood sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, Coun. Rodney S. Cabrera at ABC President Alexander Natividad.