Violence Against Women (VAW) ay alisin upang mga kababaihan ay makapamuhay ng walang takot at malaya sa lungsod natin.

Bilang isang matatag, mapagmahal at mapagkalingang babae ay isa ang ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa mga patuloy na nagsusulong sa pagpigil ng karahasan sa ating mga kapwa babae. Ang mga babae ay dapat ingatan at mahalin hindi saktan sa kahit anumang paraan.

Sa natatanging pagsuporta ng ating TITA MAYORA BABY ARMI ay ginanap ang VIOLENCE AGAINST WOMEN (VAW) DESK TRAINING sa ating Multipurpose Building sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office na pinapangunahan ni Ms. Gabriela B. Fernandez.

Mga VAW Officers ng ating mga barangay ang siyang imbitado sa nasabing training na ang pangunahing paksa ay VAW Desk Officers service delivery and handling of VAW Cases in barangays. Tulad ng pagsasanay sa naganap na GAD Training ay nagkaroon din ng mga laro at iba’t ibang aktibidad na siyang malaki ang tulong upang mas matuto ang mga dumalo at nakiisa sa training.

Mga kababayan sama-sama nating ingatan ang mga kababaihan ilayo natin sila sa karahasan sapagkat lahat ay may karapatang mamuhay ng payapa at walang takot. Mabuhay Muñoz!