Kitang kita na nagalak at nag-enjoy ang mga dumalo sa naganap na YOLO Run 2022, Color x Bubble Fest!

 Pagtapos ng halos tatlong taon ay muling naganap ang ganitong kasiyahan!

Makulay na makulay at punong puno ng saya ang naganap na YOLO Run kung saan isa ang ating minamahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa nakitakbo at nakisaya. Iba talaga ang ating TITA MAYORA BABY ARMI, aktibong aktibo at bagets na bagets kung makisama, walang inaatrasan, walang inuurungan basta para sa minamahal niyang mga kababayan GO LANG!

 Sa pagtutulungan ng Central Luzon Region XXXI One Kamandag Region sa pangunguna ni Engr. Armand Miranda at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ na isang miyembro din ng Philippine Eagles ay naisakatuparan ang naturang kasiyahan na ito kung saan nagtanghal ang ating mga Local Artist at ang pinakahihintay ng lahat na AGSUNTA kasama si Luis Gragera (GMA Artist Center) at Nef Medina (GMA Artist Center).

Hindi lang kulay at bubbles ang bumaha sa YOLO Run kundi ang mga awards at prizes din. Binabati po naming ang mga nagwagi bilang Top 10 finishers, Top 3 finishers, Best Dress-Child Edition, Best Dress-Teen Edition, Best Dress-Adult Edition, Longest Beard, Most Creative Award- Child Edition, Most Creative Award-Teen Edition, Cutest Couple, Cutest Married Couple, Spotlight Winner, Most Haggard Face, Most Haggard But Strong, Youngest Participant/Runner, Oldest Participant/Runner, Mr. and Miss YOLO Run 2022, Most Colorful Male, Most Colorful Female, Most Colorful Couple, Most Active Barkada at iba pa. Binabati din po naming ang mg nagwagi sa raffle draw.

Nag-enjoy ka na nanalo ka pa bukod don ay nakatulong ka pa sapagkat ang programang ito ay “ Run for a Cause” dahil ang mga nalikom na pondo ay mapupunta sa mga tinamaan ng kalamidad.

Nakakapagod bang tumakbo? Okay lang yan sobrang enjoy at saya naman diba?