Dinaluhan ng LGU Science City of Muñoz sa panguguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., kasama si Dr. Judith Padilla, OIC, City Health Office ang ginanap na Nueva Ecija Inter-Agency Task Force (NEIATF) Zoom meeting noong nakaraang April 5, 2021 na pinamunuan ni Gov. Aurelio M. Umali, Chair ng NEIATF.

Tinalakay ang ilang mga importanteng update at ang patuloy na pagtugon ng ating probinsya laban sa Covid-19. Ito ay dinaluhan ng mga punong lungsod, mga opisyal ng iba’t ibang health units at ahensya ng gobyerno. Naging highlight din ng nasabing online meeting ang kabayanihan at sakripisypo ng ating frontliners at health workers.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan