Sabi nga nila “Everything is better when you Dance”, kaya naman napaindak ang lahat sa isinagawang Zumba Dance Party sa pangunguna ng City Health Office kahapon, December 17, 2019 sa City Hall Grounds. Ang lahat ay nakisayaw sa mga masasayang tugtugin kasama ang inimbitang Zumba Dance Instructor na si Ms. Mary Grace Cano.

Ano ba ang Zumba? Ito ay isang paraan ng masayang pag-eehersisyo. Anu-ano naman ang mga benepisyong nakukuha sa pag-zuzumba?
1. Improves Flexibility
2. Boosts Memory
3. Reduce Stress
4. Tones your entire body
5. Boosts your heart health
6. Weight Loss
7. Makes you happy

Kasabay nito ang diskusyon o pagbibigay ng kaalaman ukol sa kung ano at kung saan nakukuha ang HIV o Human Immuno-Deficiency Virus at AIDS o Acquired Immuno-Deficiency Syndrome.

Nagbahagi rin ng karanasan sa totoong buhay sa John Dave Mare David patungkol sa kaniyang pagkakaroon ng HIV/AIDS at kung bakit hindi dapat pandirihan ang mga taong may ganitong uri ng sakit.

Nagkaroon rin ng Free HIV/AIDS Testing at Free Blood Typing. Maaari pa ring magpa-free HIV/AIDS Test magtungo lamang sa City Health Office/Social Hygiene Clinic mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 am – 5:00pm.